pamasahe

paano mo sasabihing ayaw mo na
paano mo sasabihing suko ka na
paano mo kakalasin ang iyong bisig sa pagyakap
ang iyong mga kamay na matagal na ding nasanay
sa pag-abot sa kanyang palad
saan mo ibabaling ang mga mata
kung kahit saan tumingin naaalala mo siya
paano ka magpapatuloy kung sa mga pangarap mo ay kasama siya
paano mo ba sasabihing ayaw mo na
kung wala nang nakikinig sa iyong salita
kung hangin na lang ang inaabot ng palad mo
paano mo nga ba sasabihing ayaw mo na
kung wala ka naman nang aayawan pa

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

Cooking with a Wallflower

Cooking. Baking. Crafting. Writing.

Halo-Halo, Mix-Mix

a waste bin of random things

Jalvis Quotes

Motivational & Inspirational Poems, Literature & Quotes Collection - By Vishal Dutia

tandem trekking

live vicariously

%d bloggers like this: